PINANGUNAHAN ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang oath-taking ceremony para sa bagong halal na mga opisyal at Board of Trustees ng Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) kamakailan.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang kahalagahan ng pagkintal ng pakiramdam sa layunin at pagkakaisa sa bagong halal na mga opisyal ng CCBI.
Ang okasyon ay isinagawa noong Disyembre 6, 2023, sa OCOM Conference Room, na nagmarka ng makabuluhang sandali para sa CCBI, nagpapakita sa Bureau of Customs ng dedikasyon sa pag-aalaga sa pangunahing pakikipagtulungan ng mga nasa industriya.
“We are confident that under your leadership, CCBI will be able to drive its objectives forward, with the ultimate goal of encouraging investment and supporting our country’s economic growth,” ayon sa hepe ng BOC.
Nagpahayag din siya ng pag-asa na magkakaroon ng magandang dulot ang bagong halal na mga opisyal ng CCBI.
Partikular sa pagsulong ng mga layunin ng samahan, pagpapaunlad ng mga pamumuhunan na nag-aambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ang CCBI ay isa sa mga partner ng BOC na nagiging dahilan ng kanilang magandang koleksyon at malagpasan ang kanilang revenue targets.
(JO CALIM)
