7 LUGAR NASA SIGNAL NO 1; BAGYONG INENG LUMAKAS

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA)

ISINAILALIM ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa ilalim ng storm signal no. 1 ang pitong lugar sa bansa kasunod ng inaasahang paglakas pa ng bagyong Ineng sa loob ng 24 oras at magiging severe tropical storm.

Sa bulletin na ipinalabas ng Pagasa taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75km per hour at bugsong 90kph at kumikilos sa bilis na 15kph, huli itong namataan 725 kilometers east ng Casiguran, Aurora na kumikilos sa bilis na 15 km/h.

Nasa ilalim ng signal no 1 ang Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra at  Ilocos Norte kung saan binalaan ang mga residente na makararanas ng lakas ng hangin na 30kph hanggang kph sa loob ng 36 oras.

Asahang magiging maulan ang Bicol Region, Northern Samar, Quezon Province, Batanes, Cagayan, Isabela at  Aurora habang apektado naman ng hanging habagat ang Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan, Antique, Aklan at Metro Manila.

Nagbabala rin ang Pagasasa posiblneg pagbaha at landslide sa mga daraanan ng  bagyo.

Hindi pa rin inaasahang tatama sa lupa ang bagyong Ineng subalit pinalalakas ito ng hanging habagat.

Batay sa forecast track ng Pagasa, lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo Sabado ng gabi o umaga ng Linggo.

 

 

173

Related posts

Leave a Comment