ABU SAYYAF SUB-LEADER NAARESTO SA DAVAO

IBIBIYAHE patungong Camp Crame sa Quezon City ang naarestong Abu Sayyaf sub-leader na si Anduljihad “Edang” Susukan.

Base sa inisyal na impormasyon sa Philippine National Police (PNP), naaresto si Susukan sa bahay ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa Davao City nitong Huwebes ng gabi (Agosto 13).

Inanunsyo ni PNP chief Police General Archie Gamboa na ibinigay ni Misuari sa kustodiya ng Davao City Police Office si Susukan matapos umano nitong sumuko sa kanya sa Jolo, Sulu at dinala sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Maa.

Nagpasalamat naman si Gamboa sa tulong ni Misuari na mapasuko si Susukan sa pamamagitan ng negosasyon ng DCPO na pinangunahan ni City Director Police Col. Kirby John Karft.

Pinaliwanag nito na nakipagnegosasyon umano ang kapulisan matapos malaman na nasa lungsod si Susukan para magpagamot.

Isinilbi ng mga tauhan ng DCPO ang mga warrant of arrest laban kay Susukan kung saan 23 ay para sa kasong murder, 10 para sa Kidnapping at Serious Illegal Detention, habang anim para sa
Frustrated Murder.

Isasailalim si Susukan sa pagsusuri sa Camp Quintin Merecido Hospital sa Police Regional Office 11 bago ang nakatakdang pagbiyahe rito patungo sa Metro Manila. (NICK ECHEVARRIA)

131

Related posts

Leave a Comment