BAGYONG QUIEL NAKALABAS NA NG BANSA

BAGYONG USMAN-2

KANINANG alas-5:00 ng madaling araw ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quiel.

Ayon sa 5am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.

May taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Quiel sa direksyong pa-Kanluran at tinatahak ngayon ang bansang Vietnam.

Sa kabila nito, nakakaapekto pa rin ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon.

Makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.

Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Magkakaroon din ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Calayan
• Babuyan
• Cagayan
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Isabela
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Cavite
• western coast ng Batangas
• Occidental Mindoro
• at Palawan

388

Related posts

Leave a Comment