BETTER DAYS AHEAD – PDU30

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuti pa ang kalagayan ng bansa bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

“There are better days ahead because since Dec. 1, we are having an average of 500 to 600 COVID-cases and the number of active cases continues to go down,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Binigyang diin din ng Pangulo, ang COVID-19 positivity rate ay nasa “downward trend,” kasalukuyang “less than 2%.”

Nagawa rin ng pamahalaan na makapagturok ng 10.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa buong bansa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, sa panahon ng massive three-day national vaccination drive.

“[This] is a huge achievement against COVID-19. I would like to thank the doctors, the volunteers and all, of course, Secretary Duque and Galvez, I would like to thank you on behalf of the Filipino people,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy nito sina Health Secretary Francisco Duque III at Secretary Carlito Galvez Jr., national vaccine manager.

Ibinida rin niya na nakatakdang maglunsad ang pamahalaan ng second vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17.

Umaasa rin ang Chief Executive na magandang Pasko ngayong taon sa mga Pilipino. (CHRISTIAN DALE)

4

Related posts

Leave a Comment