BPSO MEMBER ITINUMBA NG RIDER

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider makaraang pagbabarilin ang isang miyembro ng Barangay Public Safety Officer (BPSO) habang nakaupo sa isang tindahan sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jun Millalos y Jaromay, 54, may asawa, miyembro ng BPSO, at residente ng Sabang, Naic, Cavite, namatay sa pinangyarihan ng insidente.

Pinaghahanap naman ang suspek na sakay ng isang itim na motorsiklong Honda TMX, nakasuot ng brown na jacket at pulang cap, tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat, nakaupo ang biktima sa harapan ng isang sari-sari store sa Ciudad Nuevo Phase 1, Brgy. Annex, Brgy. Sabang, Naic nang pagbabarilin ito ng suspek dakong alas-4:20 ng hapon.

Matapos ang pamamaril, pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo sa direksyon ng Trece Martires City.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho bilang isang BPSO, ang pagpatay sa biktima habang patuloy ang isinasagawang backtracking sa close circuit television (CCTV) camera para sa pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

61

Related posts

Leave a Comment