WALA pang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa.
Ang paglobo aniya ay nasa NCR Plus kaya’t ang response concentration nila sa kasalukuyan ay nasa mga area na nasa ilalim ng Metro Manila plus.
“Sa ngayon po binabantayan naman po natin ang datos at wala pa naman pong ganoong conclusion ang nakikita natin ‘no. Ang talagang paglobo po ng mga kaso ay nandito sa NCR Plus at kaya nga po ang response natin dito muna sa NCR Plus. Pero as I said po, binabantayan din natin ang mga kaso sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Pero so far po, nothing as bad as what we are seen in NCR Plus,” ayon kay Sec. Roque.
Para naman kay DILG Undersecretary Bernie Florece, inihayag nitong sa siyensya nakabase ang anomang magiging konklusyon at base na rin sa available data.
Kaya maaga pa aniyang sabihing may posibilidad na magkaruon ng expansion ng strict quarantine mula NCR Plus at maging Luzon-wide ito.
Samantala, inaprubahan ng IATF ang extension ng risk-level classification ng Quirino Province sa ilalim ng modified enhanced community quarantine hanggang Abril 30, 2021 matapos makapagtala ng pagtaas ng mga kaso. (CHRISTIAN DALE)
281