Duterte pumiyok sa ‘di maawat na COVID-19 cases MARAMI PANG MAMAMATAY

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na marami pang mamamatay dahil sa COVID-19.

Sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi ay sinabi ni Pangulong Duterte na dahil unavailable ang bakuna at walang sapat na suplay para makapagpabakuna ang buong mundo ay naniniwala siyang marami pa ang mamamatay.

“Wala sana ang virus kung mayroong vaccine na available,” ani Pangulong Duterte.

“Eh wala. Hanggang ngayon the word “unavailable” is nandiyan. Unavailable because there are not — there’s no sufficient supply to inoculate the world. Matagal pa ito. Sabihin ko sa iyo marami pang mamamatay dito. Hindi ko lang maturo kung sino,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ng pangulo na nahaharap ang lahat sa kalaban na hindi nakikita, walang makita at gulo na hindi lamang ang Pilipinas kundi ang buong mundo.

Umamin din ang pangulo kung kailan magkakaroon ng sapat na stocks ng bakuna ang Pilipinas para sa mamamayan nito.

“I really do not know. Nobody knows,” diing pahayag ni Pangulong Duterte. (CHRISTIAN DALE)

148

Related posts

Leave a Comment