IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian na dapat mas kaunti ang mga subject asignatura ng mga Grades 1 hanggang 3 at habaan ang kanilang mga leksyon sa Filipino at English.
Sa kasalukuyan, sinabi ng chairman ng Senate committee on basic education, ang mga Grades 1 hanggang 3 ay mayroong walong subject habang ang English at Filipino Ay mayroon lamang tig-50 minuto.
“It’s very difficult for teachers to teach eight subjects in a day. It’s very difficult for students to absorb three languages and study eight subjects in a day,” paliwanag ni Gatchalian.
May mga pagkakataon pa anya na nahihirapan ang mga estudyante na magpokus sa kanilang pag-aaral dahil ang ilan ay tumutulong sa paghahanapbuhay ng mga magulang habang ang iba ay walang suplay ng kuryente sa gabi.
“So there are bottlenecks to learning. So, I do agree to lessen the subjects for Grades 1 to 3 and then increase the number of hours for English and Filipino,” dagdag ni Gatchalian.
Iginiit ng mambabatas na gawing dalawang oras ang pagtuturo ng English at Filipino subjects habang ang mother tongue ang gagamiting medium of instruction sa Grades 1 to 3.
“A student will have more time to learn English, more time to read in English, more time to learn Filipino, but the student will not lose his identity or his comprehension using the mother tongue,” paliwanag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)
257