HILING NA BALIK-ECQ TUTUGUNAN NG PALASYO

NAGPULONG kagabi, Agosto 1 sina Executive Secretary Salvador Medialdea at key members ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para pag-usapang mabuti at tugunan ang concerns ng
medical community na muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila (MM).

Kasama sa pulong sina Secretary of Budget and Management Wendel Avisado, Secretary of Trade and Industry Ramon Lopez, Secretary of Health Francisco Duque, Secretary of Interior and Local

Government Eduardo Año, National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Presidential Spokesperson Harry Roque, Senior Deputy Executive Secretary Michael Ong at Presidential Assistant for Foreign Affairs Robert Borje.

Kasama rin sa meeting sina National Task Force Chief Implementer Charlie Galvez at ang mga anti- Covid czars na sina Deputy Chief Implementer of the NTF Vince Dizon at One Hospital Incident Command Chief Leopoldo Vega.

Dumalo rin sa meeting si Senador Bong Go, Chairman Senate Committee on Health. “Recommendations from the aforesaid meeting will also be submitted tonight for the President’s
review,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Duterte ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na agad na aksyunan ang concerns ng medical community na muling isailalim sa ECQ ang MM.

Sinabi ni Sec. Roque na kinukonsidera ng pamahalaan ang “skilled, tireless and dedicated healthcare workers” bilang mahalagang frontliners sa giyera kontra COVID-19.

“We are grateful for their immense contributions to heal our people and our nation during these difficult times,” ani Sec. Roque.

Aniya, napakinggan na ng Malakanyang at ni Pangulong Duterte ang boses ng mga ito.

“We cannot afford to let down our modern heroes. This is our commitment,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Vice President of the Philippine College of Physicians na ang rekomendasyon nila ay ibalik sa ECQ ang MM kahit kahit panandalian lamang o 2 linggo.
“Bigyan n’yo lang kami ng breathing space. Kasi kami po ang naririyan sa battlefield, kami po ‘yung humaharap at nakakakita ng nangyayari. Kailangang pakinggan kami ng gobyerno.” aniya.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na ang August 1-15 general community quarantine (GCQ) classification ng Metro Manila ay naging ‘subject’ ng debate at matinding talakayan ng mga
miyembro ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Naiintindihan aniya ng Malakanyang ang maselan na ‘balancing act’ sa pagitan ng public health at
economic health ng bansa lalo pa’t ang Metro Manila at CALABARZON ang pinanggagalingan ng 67% ng ekonomiya.

Ang strict lockdown sa Metro Manila ay nakapagbigay na ng nilalayon nito kaya’t kailangan na paigtingin ang iba pang estratehiya.

“It is for this reason that the local government units (LGUs) of Metro Manila has been directed to implement a strict localized lockdown/ enhanced community quarantine (ECQ) in barangays where 80% of cases are located and the publication of these barangays,” ayon kay Sec. Roque.

Kabilang sa iba pang hakbang na kailangang ipatupad ng LGUs ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards; massive targeted testing, pinaigting na tracing, quarantine sa
mga close contact; mahigpit na pagsunod sa implementasyon ng Oplan Kalinga para sa isolation ng confirmed cases.

“Community quarantine alone, we repeat, is an insufficient response in controlling COVID-19. We are scaling up hospital capacity by increasing allocation of COVID-dedicated beds while hiring more doctors, nurses, and medical-personnel. We are also engaging the community through risk communication, social mobilization and advocacy to observe the minimum public health standards of wearing a mask, washing of hands, and keeping a physical distance. Mag-mask, hugas, iwas is our battlecry in our war against COVID-19,” litanya ni Sec. Roque.

Sa ulat, hiniling ni Limpin sa pamahalaan na bigyan sila ng 2 weeks na “breathing space” sa pamamagitan ng pagbabalik ng Metro Manila sa strict lockdown o ECQ.
Ani Limpin, ang mga exhausted health care worker- mula doktor pababa sa ambulance drivers ay nahawa na rin ng virus.

Sa katunayan ay 4,500 doctors, nurses at iba pang health care workers ang nahawa ng sakit.

“Kung kami po ay napapagod na, huwag ninyong hintayin na bumagsak lahat kami. ‘Pag bumagsak lahat kami papaano na po mamamayang Pilipino?” ayon kay Limpin.

Ang kinatatakot pa aniya nila ay ang araw na mag-bog down ang lahat ng mga ospital at health care workers bunsod ng patuloy na pagsirit ng bilang COVID-19 patients na dapat gamutin, lalo na
ngayon na maraming sektor ang muling nagbukas dahil sa mas pinaluwag na lockdown status.

“Bubulusok dami ng taong magkakaroon ng COVID-19 at ang pinakamahirap dyan, marami tayon  itataboy na pasyente dahil ‘di na kakayanin ng ospital na tumanggap pa ng higit sa kung ano meron tayo,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

98

Related posts

Leave a Comment