KONGRESO NAKALIKOM NG P35M PARA SA APEKTADO NI PAENG

NAGPAHAYAG si House of Representatives, Speaker, Martin Romualdez nang kalungkotan sa hindi inaasahang pagbayo sa buong bansa ng bagyong Paeng na nanalanta sa kabuhayan ng marami nating kababayan lalo sa mga apektadong lugar.

Agad na pinakilos ni Romualdez ang kanyang tanggapan na tutukan at magsagawa ng round the clock meetings sa kaukulang ahensya at Local Government Units upang masiguro ang kaligtasan at pangangailangan ng mga apektadong pamilya ng tropical storm na bumulaga sa bansa sa hindi naging magandang long weekend sa paggunita sa araw ng mga namayapa.

Sinabi ni Romualdez, na nangako rin ng tulong ang mga kapwa nitong Kongresista sa pangunguna ni Ako-Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at nakalikom ng 35 milyong piso mula sa mga private sectors na nakahandang tumulong sa ating pamahalaan upang mahatiran ng relief goods ang mga nasalanta.

Naka monitor din ang pamahalaan sa National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), Office of the Civil Defense (OCD), Department of National Defense (DND), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa iba pang departamento ng pamahalaan upang masuyod ang mga typhoon victims.

Naging abala rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang Rescue Volunteers Group na mailikas ang mga residenteng naipit ng mataas na pagbaha upang madala sa mga evacuation centers kahit kamakailan lamang ay ilang rescuers ang nasawi dahil sa pagliligtas sa mga naapektuhan.

Viral din ngayon sa social media ang panawagan ng mga netizens sa ating mga kababayan na kung lilikas ay isama din ang kanilang mga alagang hayop o kaya ay ilagay sa ligtas na lugar dahil ang mga ito ay may buhay din. (MYRNA VERE)

13

Related posts

Leave a Comment