LPA, HABAGAT MAGPAPAULAN SA BANSA

ulan55

MAGKAKAROON ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa northern at central part ng Luzon, ayon sa Pagasa.

Ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan.

Ang iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Minomonitor din ng Pagasa ang low pressure area sa 2,195 kilometers east ng Visayas area.

Habang nasa labas pa ng bansa ang low pressure area, makararanas na ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Itinaas naman ang gale warning sa Batanes, Babuyan at Calayan Group of Islands, northern coast of Cagayan, at northern coast of Ilocos Norte.

Pinaalalahanan din ang mga mangingisda na umiwas sa pagpapalaot.

138

Related posts

Leave a Comment