NASADLAK sa likod na rehas na bakal ang isang 30-anyos na jobless, dahil sa kasong murder, makaraang matunton sa loob ng presinto ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10 noong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, ang suspek na si Jameson Javier, binata, ng Paco, Manila.
Batay sa ulat ni Police Staff Sargent Adrian Secapuri, bandang alas-5:40 ng hapon nang isilbi ang arrest warrant sa kasong murder laban sa suspek, sa loob mismo ng presinto. (RENE CRISOSTOMO)
108