ISANG estudyante ang pinadalhan ng subpoena ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division bunga ng kanyang mga post sa social media na bumabatikos kay Senador Bong Go.
Kinumpirma ng NBI Cybercrime Division na naghain ng reklamo ang tanggapan ng senador laban sa mga netizen na bumabatikos sa kanya.
Gayunman, nasa proseso pa umano ang ahensya ng pagtukoy at validation sa mga sinasabing mapanirang posts.
Ngayong Huwebes ay nagtungo sa NBI ang abogado ng hindi pinangalanang estudyante ngunit hindi ito nagbigay ng anomang pahayag sa media kaugnay ng reklamo.
Hindi naman itinanggi ni Go na mga abogado niya ang nagsampa ng reklamo. Sa isang pahayag, sinabi ng senador na naniniwala siya sa freedom of expression, pero dapat ay gamitin daw ito nang responsable.
“Nirerespeto namin ang karapatan at opinyon ninyo. Kung tingin ninyo ay wala kayong ginawang ilegal, wala kayong dapat alalahanin. Sagutin niyo lang ang paratang laban sa inyo at may proseso naman ang batas na poprotekta sa inyong mga karapatang pantao,” ani Go.
Hindi naman nagpaawat ang netizens matapos kumalat ang balita hinggil sa pagrereklamo ni Go laban sa kanyang mga kritiko.
Lalong nakatikim ng batikos ang senador dahil pinatunayan umano nitong pikon siya at hindi tanggap ang mga pagpuna.
Ayon sa Twitter user na si @jessie_sev “Is Bong Go getting allergic to criticisms, as well? Then get out, resign”.
“They can’t take any form of criticism. Fcking administration. Though somebody should update what the post was about,” ayon naman kay @QuoaRantined.
Komento naman ni @DanSantos8 “It says critical, not libelous nor subversive. Bawal na ang criticism?”
Payo naman ni @C35dgs “Be a private citizen if you don’t want to be criticized.
Feel free to resign and go back to where you came from.
