P152-B PHILHEALTH INVESTMENT NALIMAS NA?

PINANGANGAMBAHAN ng isang mambabatas sa Kamara na posibleng nalimas na ang P154 bilyoninvestment ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil bukod sa bagsak na
ang ekonomiya ng bansa ay inilagak ang puhunang ito sa mga kuwestiyonableng korporasyon.

Sa virtual press conference, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ang investment na ito ay iba sa P153 bilyon na nawala sa All Case Rate (ACR) policy ng PhilHealth at bilyon-bilyon pang pondo ng mga miyembro na nawala rin sa iba’t ibang katiwalian sa nasabing state insurance firm at Interim Reimbursement Mechanism (IRM) controversy.

“Humihingi ng ayuda ang PhilHealth sa national government pero hindi nila masagot ang P152 billion na investment. Ininvest nito ang 152 billion (pesos) na pera ng mga miyembro sa bond at
stock market at dahil bagsak ang ekonomiya dahil sa pandemya ay maaaring nalimas ang pondo ng contributors,” ani Brosas.

Noong nakaraang taon (2019) aniya ay pinuna na ng Commission on Audit (COA) ang PhilHealth sa kanilang P14.34 billion na investment dahil inilagak umano ang perang ito sa mga kumpanya na may kuwestiyonableng financial statement at credit worthiness.

TAHIMIK SI DUQUE

Kinuwestyon naman ni ACT party-list Rep. France Castro ang aniya’y nakabibinging katahimikan ni Health Secretary Francisco Duque sa mga anomalya sa ahensya.

“Bakit itong si DOH Secretary Duque ay tahimik? Nagtatago pa rin ba katulad ng board sa pamamagitan ng sakit? Magsalita ka. Bakit ka tahimik?,” mga tanong ni Castro.

Hindi umano maaaring maghugas-kamay si Duque sa anomalya sa PhilHealth dahil imposibleng wala itong alam sa nangyayari sa nasabing korporasyon lalo na’t marami sa mga opisyales dito ay
tinatawag na “batang Duque”.

Samantala, hinamon naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang lahat ng mga regional vice president ng PhilHealth na mag-leave of absence at kung hindi ay si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magsuspinde sa kanila. (BERNARD TAGUINOD)

100

Related posts

Leave a Comment