Para sa epektibong contact tracing – Defensor COVID POSITIVE PANGALANAN

IMINUNGKAHI ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na isapubliko ang pangalan ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 upang magkaroon ng epektibong contact tracing sa tulong ng
publiko.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Defensor na ang pagsasapubliko sa pangalan ng mga COVID-19 patient lalo na ang mga active cases na
umaabot sa mahigit 36,000 ay hindi para ipahiya ang mga ito kundi para makatulong sa ibang tao na nakahalubilo ng mga ito.

“DOH should publish their name. its not to shame them. Hindi natin sila hinihiya. It is not to public redicule them. Hindi natin sila dini-discriminate, pero ‘yung paglabas ng kanilang pangalan
makatutulong sa ibang tao na nakahalubilo nila at nakausap nila,” ani Defensor.

Ayon sa kinatawan ng DOH sa nasabing pagdinig, tanging sa mga contact tracer umano ibinibigay ang pangalan ng mga nagpositibo sa COVID-19 para hanapin ang mga taong nakasama ng mga ito dahil sa umiiral na Health Emergency Act at Data Privacy Act.

Base sa nasabing mga batas, hindi maaaring isapubliko ang pangalan ng mga taong may sakit o nagkasakit na walang pahintulot ang korte subalit, sinabi ni Defensor na iba ang sitwasyon sa
COVID-19 pandemic.

Bukod dito, iniiwasan umano ng DOH na magkaroon ng diskriminasyon bagay na kinontra ni Defensor dahil nagkakaunawaan umano ang mga tao na ngayong panahon ng pandemya ay
kailangan ang tulong ng bawat isa para makontrol ang pagkalat ng virus na ito.

“Sa dinami-dami ng may Facebook dito, pag pinablish mo yung tao, malalaman nila kung saan nagpunta. Mate-trace nila kahit papaano kung saan nanggaling. Makikita agad nila kung ano ang
naging activities,” ani Defensor.

Kailangan  may impormasyon umano ang mga tao kung sino ang nagkaroon ng COVID-19 para malaman ng mga ito kung nakasama o nakausap ba nila ang mga ito o hindi.

Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso nina Sen. Juan Miguel Zubiri at dating Marikina Rep. Miro Quimbo na agad inamin sa publiko nang magpositibo ang mga ito sa nasabing sakit kaya nalaman ng mga ito kung sino ang kanilang nakasama at nakausap at agad na isinailalim ang mga ito sa COVID-19 test.

“Sa ibang bansa, yung isang may case nga sa China nagpunta sa Korea. Nung mag-positive pati sa Korea alam, lahat ng litrato ipina-publish. Kaya dapat ganun din ang gawin natin Mr. chairman,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

125

Related posts

Leave a Comment