PBBM, nilalason ang isip ng maling impormasyon ng nakapaligid?

Nagulat ang marami sa naging pahayag ni President Bongbong Marcos na ang nangyayaring pang gigipit kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. ay walang kinalaman sa e-Sabong bagkus ay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa mga nakalipas na araw, marami na ang tila nagduda at sinabi na parang ang pamamaslang kay Gov. Degamo at pag dawit sa pangalan ni Teves ay tila scripted lamang.

Dahil dito, bukod sa Netizens ay nagbigay na din ng opinyon ang ilang beteranong kolumnista at media na tila nga daw may kakaiba sa kasong ito.

Enero palang ay nagsalita na si Teves na di umano’y nakasagap siya ng Intel na nais silang ipaligpit ng kapatid niya na si ex-Gov. Henry Teves.

Sa halip, habang nagpapagaling si Teves sa medical procedure ay biglaang napatay si Degamo at naging mabilis ang pag bintang kay Teves ang pagka-matay ni Degamo.

Marami rin ang nagtaka na ito ay apurahin ng Kongreso na umuwi at mag report ng face to face sa kabila ng banta sa seguridad at buhay ni Teves.

Nagtataka din ang Ilan na tila nilalason ng maling impormasyon ang Presidente imbes na ito at tumugong sa hiling ni Teves na tulungan siya sa pang-gigipit ng ilang tauhan ni PBBM na mataas ang posisyon sa gobyerno.

304

Related posts

Leave a Comment