MAGSISIMULA na bukas ang pilot pooled testing sa bansa na gagawin sa Makati City.
Dumaan na kasi sa mga kailangang requirements at pag-apruba ng Philippine Society of Pathologist ang bagay na ito.
Ang paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito sa lima hanggang sampung tao sa kada isang testing kit.
Sa ilalim ng pooled testing, gagamit lamang ng isang test kit sa kada lima hanggang 10 taong kukuhanan ng specimen o samples.
At kapag lumabas na negatibo ang resulta nito, ibig sabihin, negatibo sa infection ang lahat ng lima o sampung tao na kinuhanan ng specimen.
Subalit kapag nagpositibo ang resulta, hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinuhanan ng samples para muli itong isalang sa test, hanggang matukoy kung sino sa kanila ang talagang
positive.
Sinasabing ang paggamit ng pooled testing ay naglalayong mapataas pa ang testing capacity ng bansa o mas maraming mai-test sa kaunting test kit lang na magagamit. (CHRISTIAN DALE)
126