PONDO PARA SA 4Ps ITINAAS SA P112-B SA 2024

MAKAKUKUHA ang ‘flagship poverty alleviation initiative’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas malaking alokasyon sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024.

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD ay makakukuha ng alokasyon na P112.8 bilyong piso.

Ang budget ng 4Ps sa susunod na taon ay mas mataas ng P10.23 billion kumpara sa P102.61-billion budget na natanggap ng programa sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

Ang nasabing halaga ay mapakikinabangan ng 4.4 milyong eligible household beneficiaries ng programa.

Sa kabilang dako, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang sa alokasyon para sa 4Ps ay ang P103.161 bilyon para sa iba’t ibang cash grants, gaya ng P750 kada buwan para sa health subsidies na pangtustos sa 4.4 milyong pamilya, educational subsidies na mula P300 hanggang P700 kada buwan para sa mahigit na 7 milyong mag-aaral, at P600 kada buwan para sa rice subsidies para sa 4.4 milyong pamilya.

Matatandaang sa Budget Message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na inaprubahan niya ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa

Social Protection Floor (SPF) framework na naglalayong gawing institusyonal ang umiiral na social protection program.

(CHRISTIAN DALE)

292

Related posts

Leave a Comment