Sa matatag na relasyon ng Pilipinas at China KONTRIBUSYON NI EX-FL MARCOS KINILALA

(CHRISTIAN DALE)

“CHINA cannot find a greater champion than my mother in the Philippines,”

Ganito ang paglalarawan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kontribusyon ng inang si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos sa magandang relasyon ng dalawang bansa.

Ito’y matapos parangalan ng Association for Philippines-China Understanding (APCU) at Chinese Embassy in the Philippines noong Biyernes si Mrs. Marcos sa isang seremonya sa Makati kasama ang ibang awardees.

Si Mrs. Marcos ay kabilang sa mga iniluklok sa APCU bilang Hall of Fame noong 2021 sa naitulong nito sa “strengthening friendly ties and promoting mutual understanding.”

“Thank you for putting in the Hall of Fame my mother and—I may be biased—I think it is just right because China cannot find a greater champion than my mother in the Philippines,” ayon kay Marcos Jr., na isa sa mga bisita sa nasabing event.

Sa nasabing seremonya, pinarangalan din at kasama na sa “Hall of Fame” awardees sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Philippine Ambassador to China Francisco Benedicto.

Ang Gawad Sultan Paduka Pahala special award naman ay pinagkaloob sa namayapang si Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana na tinanggap ng kanyang pamilya.

‘Strongest partner’

Sa nasabi ring okasyon, inihayag ni Marcos Jr., ang Philippines’ ay strongest partner ang China.

Ayon sa incoming President, hindi mapagtatagumpayan ng Pilipinas ang post-pandemic kung hindi sa tulong ng ibang nasyon tulad ng China.

Binigyang-diin ni Marcos na sa kooperasyon at komunikasyon, ang samahan sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas lalo pang lumakas sa paglipas ng mga taon.

“I see the future of China and the Philippines developing in many ways that maybe we do not see now. I will encourage our relationship to not only be in the very strict and formal senses of business, government-to-government, or private-public partnerships – all of those we will encourage,” ani BBM kung paano niya nakikikita ang magiging takbo ng Pilipinas at ng China.

Nakikita aniya ang kinabukasan ng Pilipinas at China sa pag-unlad sa maraming aspeto, hindi lamang sa negosyo kundi pati sa government-to-government, o public and private partnerships.

Una na ring sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy nito ang independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang posisyon ng bansa sa relasyon nito sa Beijing. (May dagdag na ulat si JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment