KINATIGAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukalang pagpapatupad ng localized lockdown sa gitna ng kampanya kontra COVID-19 pandemic.
nito, hinikayat ni Drilon ang pamahalaan na paluwagin na ang restriction sa National Capital Region (NCR) upang muli nang makaarangkada ang ekonomiya.
Sinabi ni Drilon na napatunayan sa mga nakalipas na buwan na hindi epektibo ang shotgun approach upang makontrol ang virus.
Binigyang-diin ng senador na ang tanging naidulot ng mahigpit na lockdwon ay ang bagsak na ekonomiya at libu-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho.
Iginiit ng senador na wala siyang nakikitang matindi pang epekto kung papayagan na ang mas maluwag na protocols kasabay ng pagsuporta sa magagandang hakbangin ng ilang lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Drilon na may mga LGU na magaganda ang palakad sa kanilang lugar kaya’t nakokontrol ang virus at ito ang dapat na gayahin ng iba pang lugar. (DANG SAMSON-GARCIA)
289