SUPORTADO ng mga local government unit at mga pribadong sektor sa Gitnang Luzon ang ongoing up-grading project ng NLEX Candaba Viaduct, ang elevated highway na nagkokonekta sa Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga.
Ang dalawang 5-km. long independent bridges, ang Candaba Viaduct ay isasailalim sa major rehabilitation, na bahagi ng Manila-bound, na tatagal hanggang Disyembre 2020 upang mapagbuti ang road safety ng mga motorista at para na rin tumagal pa ng mahabang panahon ang nasabing istraktura.
Nakaalalay rin sa proyektong ito ang Pampanga Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PamCham) na ang layunin ay mapalakas at manumbalik ang magandang ekonomiya sa rehiyon at matiyak na palaging ligtas ang publiko.
“To preserve the vital function of the Viaduct as a critical link between the National Capital Region and the North and Central Luzon areas, upgrading and rehabilitation works are needed. We extend our support for transport infrastructure programs that will uphold and ensure the safe, unhampered, and on-time delivery of critical goods and services nationwide,” ayon kay PamCham President Renato Romero.
Sa isinagawang dialogue sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando City, ang Pampanga-based trucking groups at ibang stakeholders kasama sina Pampanga Governor Dennis Pineda; Apalit, Pampanga Mayor Oscar Tetangco Jr.; Pulilan, Bulacan Mayor Maritz Ochoa-Montejo; Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian; Calumpit, Bulacan Mayor Jessie De Jesus; Hermosa, Bataan Mayor Antonio Joseph Inton, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ay pawang nagpahayag ng kanilang suporta sa proyekto.
Anila, napapanahon ang rehabilitasyon ng viaduct kaya todo suporta sila sa hakbangin ng NLEX para mapagbuti ang kanilang serbisyo.
“The Candaba Viaduct has served the Metro Manila, and Central and North Luzon road corridor for many years. We enjoin public support and understanding for the travel delays that may be caused by the upgrading. However, when completed, we are optimistic that these improvements will further boost safety and provide better driving experience to our customers,” ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista. (ELOISA SILVERIO)
