NO.1 vs MOST POPULAR TEAM

Ni ANN ENCARNACION

SINO ang mangingibabaw sa pagitan ng nangungunang San Miguel Beer at nananatiling pinakasikat na team sa liga na Barangay Ginebra, sa elimination round ng 2022 PBA ­Philippine Cup sa Mall of Asia Arena?

Maghaharap ang dalawang koponan sa main game Biyernes, alas-6 ng gabi, kung kailan ­pipilitin ng SMB na manatiling ­perpekto habang ­sisikapin ng Gin Kings na ­maituloy ang momentum mula sa pagwawagi nitong ­Miyerkoles kontra NLEX.

Nakamit ng Beermen ang ikatlong sunod na panalo nang daigin ang Magnolia, 87-81, upang masolo ang liderato.

Umangat naman sa ikalawang puwesto ang Kings (3-1) matapos ­umahon sa 19 puntos na pagkakaiwan at biguin ang Road Warriors, 83-75.

Ngunit bago ang sagupaan ng sister teams, una munang magtatapat ang Phoenix Fuelmasters at Magnolia Hotshots sa alas-3 ng hapon.

Huling tinalo ng ­Phoenix ang Rain or Shine, ­106-102, upang makamit ang 2-2 panalo-talong kartada.

Galing din sa panalo ang Magnolia, na natakasan ang Ginebra, 89-84 noong Linggo.

Samantala, hindi maka-lalaro kontra Fuelmasters si Hotshots’ Calvin Abueva, may one-game suspension dahil sa ‘unsportsman behavior’ sa nasabing game kung saan na-eject siya.

210

Related posts

Leave a Comment