NO. 2 MAN NG CONCEPCION GANG, 1 PA NAPATAY

CAVITE – Patay ang isang lider ng Concepcion criminal group at kabilang sa regional most wanted person, at isang miyembro nito makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest sa Gen. Trias City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Emmanuel Saysay Concepcion, number 2 man ng Concepcion criminal group, at isang ‘di nakilalang lalaki na miyembro rin ng grupo.

Pinaghahanap naman ang pinaka-lider ng grupo na si Gilbert Saysay Concepcion, regional most wanted person na may patong sa ulo sa Bicol Region, makaraang makatakas.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang isilbi ng pinagsamang puwersa ng RID5-RSOU (lead unit) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Wilfredo Sy, hepe ng RSOU, NBI-RO5 at General Trias CPS, ang warrant of arrest sa Cliffwood Subd., Governors Hills, Brgy. Biclatan, Gen. Trias City laban sa mga suspek dahil sa kasong murder, rape at illegal possession of firearms.

Nagpakilala silang mga awtoridad ngunit imbes na sumuko ang mga suspek ay nagpaputok ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ni Emmanuel Concepcion at isang hindi pa kilalang miyembro ng grupo.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang madakip si Gilbert Concepcion. (SIGFRED ADSUARA)

224

Related posts

Leave a Comment