NO. 4 MWP NG EPD HULI SA QC

NADAKIP sa Quezon City ang 24-anyos na lalaking nasa listahan ng Eastern Police District (EPD) bilang no.4 most wanted person sa ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng San Juan City Police Station.

Kinilala ni PCol. Villamor Tullao, hepe ng EPD, ang suspek na si “Anthony”, dati nang nasangkot at lumabag umano sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

Ayon pa sa ulat, mahigit isang taon nang pinaghahanap ang suspek dahil bigo itong magpakita at iharap ang sarili sa kinasangkutang kaso matapos na isailalim ng korte sa probation status.

Palipat-lipat umano ang suspek sa Pasay City, Pangasinan at Quezon City upang makaiwas sa intel operatives.

Ngunit makaraan ang masusing pagmamanman, napag-alaman ng mga operatiba ang kinaroroonan ng suspek at hindi nakapalag nang arestuhin sa Brgy. Batasan Hills sa Quezon City, noong Enero 16.

Nakapiit na ang suspek sa San Juan City Police Station custodial facility. (NEP CASTILLO)

81

Related posts

Leave a Comment