NO FACE SHIELD, NO ENTRY SA COMMERCIAL ESTABLISHMENTS

HINDI na rin papapasukin sa mga commercial establishment ang mga walang suot na face shield ngayong muling isinailalim ang Metro Manila at karatig-lalawigan sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, bukod sa face mask, kinakailangan na ring magsuot ng face shield kapag pupunta sa alinmang business establishments, opisina at sa
pampublikong transportasyon upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

Samantala, binibigyang kapangyarihan naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Local Government Units (LGUs) na mag-issue ng quarantine pass sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Paliwanag ng kalihim, mahigpit pa rin kasing ipatutupad ng LGUs ang localized lockdown kung kaya’t ang mayroon lamang quarantine pass ang hahayaang lumabas ng bahay para bumili ng
essential needs. Kasunod nito, nilinaw ni Roque na kapag sasakay ng motorsiklo ay hindi na kailangan pang magsuot ng face shield. (CHRISTIAN DALE)

147

Related posts

Leave a Comment