IBINALANDRA ni Sogod, Southern Leyte mayoral candidate Rico Cajipe ang karatula na nagsasaad na ibasura ang pamimili ng boto ng mga kandidato ngayong midterm elections.
Matapang niyang kinokondena ang malawakang bilihan ng boto hindi lang sa kanilang lalawigan kundi sa iba pang panig ng bansa.
Nanawagan si Cajipe sa mga botante na tanggihan ang mga kandidato na lalapit para bumili ng kanilang boto sa Lunes May 12, 2025 para sa national and local elections. (PS)
