NO VAX, NO SUBSIDY ANTI-POOR – DEFENSOR

“NO vax, no subsidy’ for 4Ps folk is anti-poor.”

Ganito inilarawan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang panukala ni Deparment of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na ititigil ang subsidy ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino program o 4Ps kapag hindi nagpabakuna ang mga ito.

“The proposal is downright oppressive and anti-poor, and simply unacceptable. Indigent families and their dependent children will suffer more if they get deprived of their cash subsidies,” ayon sa vice chairman ng House committee on children’s welfare.

Inilutang ni Malaya ang nasabing ideya dahil umaabot pa umano sa 4 milyong 4Ps beneficiaries ang hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19 habang ang iba ay nagdadalawang-isip pa rin.

Subalit ayon kay Defensor, hindi makatarungan ang ideyang ito dahil lalong ilalagay sa alanganin ang mahihirap lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan tanging ang government subsidy ang kanilang inaasahan.

“Instead of penalizing poverty-stricken families, the government should find better ways to further improve public access to COVID-19 vaccination services,” mungkahi ni Defensor.

Ang 4Ps ay may pondong P106.8 billion ngayong taon kung saan P99.2 billion dito ay inilaan bilang cash grant para sa 4.4 million kuwalipikadong household-beneficiaries.

Sa susunod na taon ay aabot sa P115.7 billion ang budget ng 4Ps na ginawang institusyon upang matulungan ang mahihirap na maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Istilong militarista

Samantala, para kay House deputy minority leader Carlos Zarate, maituturing na istilong militarista ang ideya ng DILG.

“Solusyong militarista at trabahong palpak ang ginawa ng administrasyong Duterte. Pagkatapos, saka pipilitin at tatakutin ang mga tao, sa halip na kumbinsihin sa pamamagitan ng maayos at masinsinang pagpapaliwanag,” ayon sa mambabatas.

Ayon pa sa mambabatas, hindi dapat tinatakot ang 4Ps beneficiaries dahil kung meron aniyang nagkulang kung bakit marami ang natatakot sa anti-COVID-19 vaccines ay ang gobyerno mismo dahil sa kabiguan nitong maglunsad ng malawakang information campaign.

Wala rin aniyang batas na mandatory ang pagbabakuna dahil labag ito sa karapatan ng mga tao.

“Napakakontra-mahirap ng panukala ng DILG na ‘no bakuna, no ayuda’. Hindi ito nakakatulong sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan ng agarang ayuda sa gitna ng pandemya,” ayon naman kay Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat.

Indikasyon umano ito na imbes na kapakanan ng taumbayan ang isaisip ng gobyerno ay pagpapahirap umano ang kanilang solusyon.

Info drive hindi pananakot

Sa panig naman ng grupong Karapatan, nanindigan ito na labag sa karapatan ng mga pasyente at publiko ang sapilitang pagbabakuna.

“While we encourage the public to get their COVID-19 vaccines — especially since vaccination is an important component of pandemic response — forcing, threatening, and coercing people to get vaccinated by denying them their rights and access to basic services does nothing to address vaccine hesitancy and anti-vaccine disinformation. The best way to encourage people to get vaccinated is through a comprehensive and mass public information drive on vaccination,”ani Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan.

Banggit pa ni Palabay, ang panukala nina Secretary Carlito Galvez Jr. at Malaya na mandatory vaccination at hindi pagbibigay ng benepisyo sa mga hindi bakunado ay lalo lang makasasama sa halip na makabuti.

“Individuals have the right to adopt medical procedures through their voluntary and informed consent, and their refusal to get inoculated should not be used to deny them of their right to work, to receive government aid and subsidy, and access to other basic services. The challenge for their government is to rely not on threats and coercion, but to show people that these vaccines are free, safe, and effective, and through an approach that respects and uphold their rights,” pahayag pa ng human rights group. (BERNARD TAGUINOD/JOEL O. AMONGO)

225

Related posts

Leave a Comment