PATAY ang isang kasapi ng communist terrorist group nang makasagupa ang pinagsanib na pwersa ng 60th, 25th, at 67th Infantry Battalions na nagsagawa ng intelligence driven operation laban sa mga kasapi ng NPA-Komisyong Mindanao (KOMMID) na nagtangkang magkuta sa Barangay Sayon, Santa Josefa, Agusan del Sur.
Kasunod ng engkuwentro na ikinamatay ng isang hindi pa nakikilalang rebelde na may bitbit na isang M16 rifle at dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs), ay narekober ng military ang 14 na baril na kinabibilangan ng isang AK47 rifle, isang carbine rifle, apat na .45 caliber pistols, dalawang 5.56 revolvers, limang shotguns, isang .38 caliber revolver, at laptop.
Sumuko naman ang 11 regular members ng CTG sa ilalim ng KOMMID, kabilang ang mga miyembro ng kanilang national finance arm.
Tagumpay umano ang nasabing tactical operation bunsod ng pakikipagtulungan ng mga dating rebelde na nagkaloob ng timely and accurate information sa posibleng pagkanlungan o lugar na tatangkaing pasukin ng mga kasapi ng KOMID.
Ayon kay Major General Allan Hambala, commander ng 10ID, kapuri-puri ang mabilis na pagkilos ng 1001st at 701st Infantry Brigades.
“We honor the bravery of our former rebels who chose peace, and we will continue to defend that peace. The Agila Division remains vigilant—we will never allow any threat group to re-enter or rekindle violence within our joint operational area. We are determined to protect the hopes and futures of our people,” ani Maj. Gen. Hambala.
(JESSE KABEL RUIZ)
