(TRACY CABRERA)
LUNGSOD NG TAGUM, Davao del Norte — Sa problema ng bansa ukol sa supply ng elektrisidad, magkaiba ang solusyong isinusulong ni dating senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at Makati City mayor Mar-len Abigail ‘Abby’ Binay-Campos.
Para kay Pacquiao, mas magiging mainam kung gagamit ng enerhiyang nukleyar habang minamataan naman ni Binay ang renewable energy bilang alternatibong source ng elektrisidad sa buong kapuluan, partikular na sa rehiyon ng Mindanao.
Ito ang pahayag ng magkapartidong kandidato para sa pagkasenador ng tanungin ng lokal na media sa pagdalaw nila sa Tagum City.
“That is the number one problem of our country: the power supply,” pinunto no Pacquiao sa pagtugon sa katanungan. Ito din umano ang problema kung bakit ‘nagdadalawang isip’ ang mga dayuhang negosyante bago mamuhunan sa bansa.
“For me, we should really have our own nuclear power plant like in Bataan,” patuloy ng Pambansang Kamao sa pagtukoy sa Bataan Nuclear Power Plant sa Morong na ipinatayo ilang dekada na ang nakalipas subalit kahit kailan ay hindi naging operational.
“Because the progress of our country would be slower than a turtle without this system,” sabi pa ng dating senador ukol sa nuclear power plant.
Sa kabilang dako, pinuna naman ni Binay na 52 porsyento ng elektrisidad ng Mindanao ay nagmumula sa uling para tukuyin din na underutilized o hindi gaanong nagagamit umano ang solar power at biomass.
“I think before we could talk progress in a certain area, we need to solve the demand for power,” idiniin ng Binay, na matagal ding nanungkulan bilang alkalde ng Makati.
“There is a possibility for renewable energy. Those are untapped potential that Mindanao can be a source of solution for the demand of power,” dagdag ng mayora.
