OBRERO NAGPALAMIG SA DAGAT, NALUNOD

BATANGAS – Nalunod ang isang construction worker nang magpalamig umano sa dagat makaraan ang kanyang trabaho sa Barangay Bagong Silang, sa bayan ng Calatagan sa lalawigan dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Dino Inducal Digno, 27, residente ng Molino 7, Bacoor, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng Calatagan Police, nangyari ang insidente nang mag-relax umano ang biktima kasama ng mga katrabaho, sa beach na katabi lamang ng construction site.

Ngunit habang lumalangoy umano ang biktima nang mapadako ito sa malalim na bahagi ng dagat at tinangay ng malakas na alon na nagresulta sa pagkalunod nito.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police, MDRRMO, mga opisyal ng barangay, at civilian volunteers.

Dakong alas-7:00 ng umaga noong Huwebes, natagpuan ang wala nang buhay na biktima, humigit-kumulang 150 metro ang layo mula sa pampang.

(NILOU DEL CARMEN)

20

Related posts

Leave a Comment