CAVITE – Hindi na natapos sa pag-aalmusal ang isang 32-anyos na construction worker nang atakehin ng saksak sa kanilang barracks sa Bacoor City noong Martes ng umaga.
Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eduardo Arbie Butac, 32, stay-in sa JJM Barracks sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City Cavite dahil sa saksak sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas “Alvaro”, 40, ng Mutya Compound, Brgy. mambog IV, Bacoor City, na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa ulat, nag-aalmusal ang biktima at kasama nitong si alyas “Diane” sa loob ng JJM Barracks sa Brgy. Mambong, 4 Bacoor City bandang alas-6:30 ng umaga nang biglang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pananaksak.
(SIGFRED ADSUARA)
