OFW HOSPITAL, PASASALAMAT NG GOBYERNO SA MGA BAGONG BAYANI

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang itinayong bagong ospital para sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang dependents.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pag-inspeksyon sa OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga, na napasabay naman sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

“Please know that this is the government’s way of thanking our OFWs for their valuable contributions to our country’s socio-economic progress and for their critical role in upholding the Filipino identity in the global community,” ayon sa Pangulo.

Magsisimula na ngayong araw, Mayo 2 ang operasyon ng nasabing ospital bilang polyclinic at inaasahan na magkakaroon ng full operations sa pagtatapos ng Hunyo.

Nangako naman ang Punong Ehekutibo ng full support para sa inisyatiba na naglalayong i- promote ang kapakanan at pag-unlad ng OFWs.

“They are among the government’s “reliable partners” in nation-building, especially during challenges, calamities, and crises such as the Covid-19 pandemic,” anito.

“Their unwavering dedication and perseverance as well as their sacrifices to provide for their families make them worthy to be called mga bagong bayani ,” dagdag na pahayag nito.

Kinilala naman ng Chief Executive ang pagsisikap ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), at lahat ng government at private sectors, dahil tinapos nito ang health facility.

“Your commitment to translate the blueprint of this project into a tangible reality is truly noteworthy,” aniya pa rin.

Umaasa naman ang Pangulo na mabilis na matatapos ang ospital para sa OFWs at kanilang dependents.

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang management, staff, at iba’t ibang health care professionals na magta-trabaho sa pasilidad na gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin “with utmost excellence, responsibility, and compassion.”
“Always keep in mind that the care and services that you provide to your [patients] will ultimately redound to the overall well-being of our citizenry,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

227

Related posts

Leave a Comment