OFW NA MAY KARAMDAMAN IBIG NANG BUMALIK SA PINAS

DUMULOG sa AKOOFW ang nag-aalalang kapatid ng isang OFW na nasa bansang Qatar. Ayon sa sumbong na ipinadala ni Cristita D. Minimo, ang kanyang kapatid ay may karamdaman na iniinda kung kaya siya ay nakikiusap na matulungang makauwi ito sa lalong madaling panahon.

Ayon sa kanya, nagsabi ang kanyang kapatid na si Rochelle Calcita, isang kasambahay sa Qatar, na masyado na niyang iniinda ang kanyang gall bladder stone at sa kanyang palagay ay dapat nang ­maoperahan.

Si Rochelle Calcita ay nakarating sa bansang Qatar sa pamamagitan ng Cinderella Manpower Services. ­Ipinarating na nila sa nasabing ahensya ang karamdaman na iniinda ni Rochelle ngunit tila hindi ito ­binibigyan ng pansin ng ­naturang ahensya.

Idinagdag din ni Cristita, “At isa pa po sa problema namin, hindi po namin siya natatawagan o nakokontak man lang dahil nasa agency po ‘yung cellphone niya.

Kinuha po ng mga staff ng agency n’ya dahil baka daw po ma-report sila at ginigipit din po sila doon. Ayaw n’ya na pong magtrabaho dahil hindi niya na kaya sa kadahilanang siya po ay may sakit, ginugutom po sila doon. Pati po tubig nila ay galing lang sa gripo. At ang kinakain po nila doon ay Lucky Me at sardinas po na bawal na bawal po sa sakit niya. Kaya lagi pong sumasakit ang tiyan niya. Sana po bago mahuli ang lahat kasi baka kakaisip niya ng hindi maganda dahil stress na po siya sa sakit niya. Sana po ­matulungan n’yo po na makabalik na ang kapatid ko dito sa Pinas kasi naaawa ako sa mga pamangkin ko lalo na at may maliit pa po siyang anak. At huli na rin po nang malaman niya na fake po lahat ng contract niya.”

Ang sumbong na ito ay agad kong ipinarating sa ­ating OWWA Overseas Operation Director Connie Marquez upang agad na makipag-
ugnayan sa kanyang ahensya na nasa bansang Qatar.

Ganito rin ang sumbong ni Edna Lingan na nasa Riyadh Saudi Arabia. Kasalukuyan rin siyang nasa accommodation ng kanyang ahensya na counterpart ng PHILCO manpower. Nagsusumamo si Edna na ma­tulungan siyang makauwi agad sa Pilipinas dahil sa kanyang iniindang sakit sa spinal column.

Dagdag pa ni Edna, noong nagpaalam na siya sa kanyang amo na ibalik na siya sa ahensya dahil tapos na ang kanyang kontrata ay pinagsasampal siya ng kanyang employer hanggang mabasag ang kanyang salamin.

Ang sumbong na ito ni Edna ay aking ipinarating kay OWWA Welfare Officer Racquel Kunting at sa ating OWWA Overseas Operations Head Connie Marquez.

***

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa email address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com.

199

Related posts

Leave a Comment