OFW SA RIYADH DUMANAS NG ABUSO AT LABIS NA TRABAHO; HILING AGARANG REPATRIATION

OFW JUAN

HUMILING ng agarang tulong ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Ritchel Geminez Langoyan, matapos umano itong makaranas ng pang-aabuso, labis na trabaho, at kakulangan sa pagkain sa kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa pamilya ni Langoyan, limang buwan na itong nananatili sa Saudi Arabia sa ilalim ng ahensyang Around the World Manpower Service, na may direct recruitment office sa Riyadh (FRA).

Bukod sa matinding kalagayan sa kanyang amo, tatlong buwan umano itong hindi pinayagang gumamit ng cellphone at makipag-ugnayan sa pamilya. Nang lumaon ay inilipat pa ito sa ibang amo, at ngayon ay naghihintay na lamang ng tiket para makauwi sa Pilipinas.

Ilang beses nang humiling ang pamilya ni Langoyan sa Department of Migrant Workers (DMW) upang matulungan ang OFW, subalit ayon sa pamilya ay wala pa ring konkretong aksyon mula sa mga awtoridad.

Sa kabila nito, agad na kumilos ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamagitan ni Atty. She Malonzo, na personal na nakipag-ugnayan sa pamilya at sa OFW.

Ayon kay Atty. Malonzo, nagtungo na si Langoyan sa MWO-OWWA sa Riyadh, at nangako ang kanyang Saudi recruitment agency na aasikasuhin ang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas, pati na ang pagbabayad sa kanyang mga hindi pa natatanggap na sahod.

Taos-pusong nagpapasalamat ang pamilya ni Langoyan sa mabilis na aksyon ng OWWA at sa tulong ng OFW JUAN, sa pagbigay-daan upang maibsan ang hirap at takot ng isang pamilya sa gitna ng ganitong klaseng kalagayan.

17

Related posts

Leave a Comment