OFW’s SA EAST TIMOR GUSTO NANG UMUWI SA PILIPINAS

SA pamamagitan ng AKOOFW ay lubos na nanawagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa East Timor sa Department of Foreign Affairs.

Umaabot na rin sa 60 na mga OFW sa East Timor ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na umuwi sa Pilipinas. Dagdag pa rito ang tatlong bangkay na kailangan na daw ng tinatawag na “repatriation of remains.”

Batay sa salaysay ni Ron Damalerio isang OFW sa East Timor, Noong simula nang COVID-19 Pandemic ay ayaw daw nilang bumalik ng Pilipinas dahil kapag sila ay umuwi ay wala rin naman daw silang dadatnang anomang trabaho. Baka ang kalabasan daw ay maging tambay lang sila at makapagpabigat pa sila sa kanilang mga pamilya.

Doon daw sa East Timor, kahit paano ay nakaka-extra daw sila ng trabaho sa ­construction at iba pa na maaari nilang pasukan pansamantala.

Pero sa ngayon daw ay dumami nang husto ang kaso ng COVID-19 at nagsimula na rin ang puro lockdown sa nabanggit na bansa.”

Samantala, ang naunang inilapit na kaso ng “repatriation of remains” ay nakilalang si REGINO PASTOR BARUC. Pagkatapos ay may nadagdag pang 2 patay na kinakailangan na ang pagpapauwi ng kanilang labi dito sa bansa.

Dagdag ni Damelerio na, nagsabi na raw sa kanila ang ating embahada sa East Timor. Lumalaki na rin daw ang ibinabayad ng PH Embassy doon dahil nakalagak lang pala sa freezer ang mga labi na masiyado malaki ang bayad para sa mga ito.

Umapela si Damalerio kay Pangulong Rodrigo Duterte, DFA at Overseas Filipino Workers Welfare ­Administration o OWWA na tulungan sila.

Sana daw ay makauwi na sila pero wala daw silang pambayad sa eroplano. Ubos na rin daw ang kanilang pera sa hirap ng buhay nila sa East Timor dahil sa lockdown.

Sa ngayon ay wala na rin daw makuhang trabaho doon at kahit pa nga yung tinatawag na mga ‘extra’ na trabaho na kanilang inaasahan ay nagsara na dahil sa pandemya.

oOo

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com.

262

Related posts

Leave a Comment