TULAD ng pangako ng OKBet, nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa, ginawa nitong mas makakaaliw para sa mga manonood ang 4th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) provincial games.
Sa Bacolod City, nagmistulang MassKara Festival ang ‘OKBet Goes To Bacolod’ noong Hulyo 18 sa University of St. La Salle Gymnasium na tinampukan ng games sa pagitan ng host team Bacolod Bingo Plus, Valenzuela City XUR Homes Realty Inc., Zamboanga Family’s Brand Sardines, at Nueva Ecija Rice Vanguards.
Dagdag nagpasaya ang lokal performers suot ang ilang costume ng pamosong MassKara Festival characters. Naglagay rin ang OKBet ng ‘booth’ na may laan na regalo gaya ng t-shirts, lanyards, at iba pa para sa mga masuwerteng manonood, bukod sa meet-and-greet sa mga player.
Namahagi rin ang OKBet ng hygiene kit sa lokal na pamahalaan ng Bacolod City bilang pakikiisa sa programang pangkalusugan.
Nangako ng suporta ang OKBet sa MPBL, ligang itinatag ni boxing legend Manny Pacquiao at kasalukuyang pinamumunuan ni Commissioner Kenneth Duremdes.
“The two parties share a common goal in empowering home-grown talents for them to reach their full potential, especially in these trying times when we are still recovering from the COVID-19 pandemic,” pahayag ni Duremdes matapos ang MOA signing nila ng OKBet. (DENNIS IÑIGO)
263 