ONE-SEAT APART RULE SA PUBLIC TRANSPORT PINIGIL

HINDI pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng cabinet members na one seat apart rule sa mga public transport.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na isang upuang pagitang distansiya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon bago ito maging epektibo.

“Unang-una, it will be effective upon publication po in the Official Gazette. Hindi na po kinakailangan ng IATF meeting iyan kasi it was a full Cabinet meeting,” ayon kay Sec. Roque.

Maliban sa publication ay kailangan pa rin aniyang bumalangkas ng kaukulang guidelines na nasa responsibilidad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kaugnay nito, hindi na nangangailangan pang maglabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) resolution, ayon kay Roque dahil ang hakbang ay isang concensus na napagtibay na sa cabinet meeting. (CHRISTIAN DALE)

89

Related posts

Leave a Comment