KALABOSO ang mag-amigang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang online seller, nang matiklo sa buy-bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na sina Princess Armie Sciano, 35, online seller, ng #29-A Panghulo Tatawid, Malabon City, at Wilma Alvarez, 38, ng #25 M. Irrutia St., Arkong Bato, Valenzuela City.
Ayon sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mag-amiga sa F. Valenzuela St., Arkong Bato kung saan isang pulis ang nakaiskor ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P27,200 ang halaga, buy-bust money, dalawang cell phone at P1,500 cash. (ALAIN AJERO/FRANCIS SORIANO)
153
