(TOTO NABAJA)
KUMAKALAT ngayon sa Kampo Crame ang isang open letter na mula umano sa Junior Officers ng Philippine National Police (PNP) para kay PNP chief General Rommel Francisco Marbil.
Nakasaad sa liham mula sa Junior Officers o Honorable Men in Uniform, ang kanilang galit at lungkot sa ginawa kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Tinatanong din sa sulat kung ano na ang nangyayari sa bansang Pilipinas at ‘sabay-sabay na ba ang kanilang paglubog’?
Ang ginawa umano sa dating pangulong ay para sa personal na interes ng mga nakapwesto na ang tanging interes ay ang kanilang posisyon dahil sa pera at kapangyarihan.
Samantala, habang sinusulat ito ay wala pang pahayag ang pamunuan ng PNP hinggil sa open letter. Simula Martes ng gabi ay naka-heightened alert ang buong hanay ng pulisya dahil sa mga posibleng magaganap na sympathy rally para sa dating pangulo.
