AGAP PARTY-LIST PROTEKTOR NG POLLUTANTS?

FOR THE FLAG

Muntik akong mahulog sa aking kinauupuan mga kabandila nang mabasa ko kamakailan ang pag-depensa ng isang party-list sa mga sumisira sa kalikasan at pumapatay sa Laguna de Bay at Manila Bay.

“We don’t deny that, somehow livestock production contributes to pollution. . . but we have to understand that this is livelihood,” pahayag ni Rep. Rico Geron ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, o Agap Party-list.

Ang kanyang pahayag ay may kaugnayan sa nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga animal farm na nag-ooperate sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang pangunahing sumisira sa mga ilog at batis na patungong Laguna Lake at Manila Bay.

Ang ginawang pag-dipensa ni Rep. Giron ay misleading dahil pinalalabas niya na major pollutant ang mga backyard farming sa Calabarzon. Maling-mali po ito dahil ang polusyon na nanggagaling sa mga may backyard farming ay negligible, ibig sabihin sa pinal na komputasyon ay balewala lamang.

Ang tunay na humahalay sa ating mga kailogan at mga batis na lumalason sa Laguna Lake at Manila Bay ay ang mga malalaking mga negosyante na may mga animal farm sa Calabarzon, lalung-lalo na sa Lalawigan ng Rizal.

Ang mga animal farm na ito ay may alagang baboy na ang bilang ay mula 70,000 ulo hanggang 100,000 ito ang tinutukoy ng DENR na mga mamamatay kalikasan. Ang backyard farming ay karaniwang dalawa hanggang 12 ulo lamang ng baboy ang inaalagaan. Kaya ang tanong, sino ang pinoprotektahan ni Rep. Giron? Aba, malabong ang mga backyard farmer na may alagang anim na baboy lamang, kundi ang mga dambuhalang mga negosyante na may alagang 70,000 hanggang 100,000 na mga baboy!

Alam na kung saan nanggagaling ang kanilang pondong pangampanya! At kung sino ang kanilang totoong mga amo!

Ituloy natin. Napag-alaman ng DENR sa kanilang pag-aaral na ang pinaka-kontaminado ng fecal coliform ay nasa haba ng Boso-Boso River na bumabagtas sa Antipolo City, Rodriguez at San Mateo sa Lalawigan ng Rizal.

Base sa kanilang water sampling, ang pinaka-mataas na coliform level sa kahabaan ng Boso-Boso River ay matatagpuan sa midstream o malapit sa Antipolo. Kaya ‘yang Hinulugang Taktak, ang tumataktak diyan ay mga dumi mula sa kababuyan ng mga higanteng mga negosyante diyan.

‘Yang mga ‘yan ba ang ipinagtatanggol ni Rep. Geron? Alam na this! (For the Flag / ED CORDEVILLA)

132

Related posts

Leave a Comment