MULA nang umarangkada ang party-list elections sa bansa, dumami na ang mga grupong lumalahok dito para katawanin ang kani-kanilang mga sektor.
Nire-represent ng mga party-list groups ang mga sektor, organisasyon, partido, at koalisyon na nagsusulong ng iba’t ibang adbokasya sa Kamara de Representantes.
Dahil sa Section 5, Article VI ng 1987 Constitution, ang party-list system ay nabuo.
Bakit nga ba kailangang magkaroon ng party-list? Siyempre, ang paliwanag ay para sa proporsiyonal o pantay na representasyon sa Kamara.
Sa pamamagitan ng batas na ito, binibigyan ng pagkakataon ang mga marginalized at underrepresented na sektor, grupo o partido at ang mga walang malinaw na political constituency na makibahagi sa paglikha ng mga batas.
Ayon na rin sa Party-List System Act of 1995 (RA 7941), puwedeng tumakbo ang mga national, regional, at sektoral na partido o organisasyon sa party-list election na pinagtibay rin sa desisyon ng Korte Suprema noong 2013.
Kailangan bang may katawaning marginalized sector ang isang grupo para makasali sa party-list election? Ang sagot ay hindi dahil idineklara nga ng Supreme Court noong taong iyon na hindi kailangan kumatawan sa mga marginalized at underrepresented na sektor ang mga national at regional na partido o grupo para makatakbo sa party-list election.
Ngunit mula noong 2013, iilan lamang ang mga nakikita kong party-list groups na talagang karapat-dapat na iboto, kabilang na nga riyan ang Ako Bisaya Party-list.
Lalong dumarami at lumalakas ang suporta ng Ako Bisaya mula sa sambayanang Pilipino.
Batay naman sa Kalye Survey na isinagawa ng teams ng “Target On Air” at “Sabong On Air”, aba’y halos 40% ng mga residente ng Rizal ay mga bisaya kaya suportado nila ang party-list na ito.
Nakapanayam din ng inyong lingkod ang maraming tricycle drivers at backyard breeders at mayorya sa kanila ang nagsabing susuportahan nila sa halalan ang Ako Bisaya Party-list at si Cong. Sonny Lagon.
Nariyan din ang mga transport groups at mga magsasaka na tinutulungan ng grupo ni Lagon. Sinu-sino pa nga ba ang magtutulungan kundi ang mga kapwa bisaya rin, hindi po ba?
Solido ang plataporma ng Ako Bisaya Party-list sakaling makakuha ito ng puwesto sa Kongreso at ito ay kinabibilangan ng edukasyon, pangkabuhayan, ayuda, imprastraktura, at marami pang iba na makapagbibigay ng trabaho sa mamamayan at makatutulong upang makabangon muli ang ating buong bayan.
196