ANG MGA ANO AT BAKIT NG KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN

Psychtalk

(IKALAWANG BAHAGI)

Batay sa datos mula sa World Health Organization (WHO) noong 2017, isa sa kada tat-long babae, o nasa 35% ng mga kababaihan sa buong mundo ay nakakaranas ng karahasan. At ang pinakatalamak na uri nito ay sekswal na karahasan at iyong naka-paloob sa relasyon ng mag-partner (intimate partners).

Sa buong mundo rin, umaabot sa 38% ang bilang ng mga babaeng napapatay ng mismong mga partner nila.

Ilan ang mga nabanggit sa kadahilanan kaya itinuturing ng WHO na isang usaping pangkalusugan din ang karahasan laban sa kababaihan.

Ano nga ba ang ipinapahiwatig ng mataas pa rin ang insidente ng karahasan laban sa kababaihan kahit napakarami ng international na kasunduan ang mga lokal na batas ang nakatuon sa pagpipigil nito?

Marahil ay sadyang masalimuot ang usapin na ito na nakakawing sa iba’t ibang sikolohikal, kultural, politikal, at ekonomikal na salik.

Malaki ang ginagampanan ng machismo. Napakahirap ugatin ang mga lumang paniniwala tungkol sa kababaihan gaya ng sila ay nilikha bilang tagaaliw ng mga la-lake. At dahil dito sila ay madalas tratuhing parang sekswal na pag-aari na pwedeng lapastanganin kung kailan makahiligan.

Ikinakabit din ang kakulangan ng edukasyon lalo na ng perpetrator, (tawag sa taong gumagawa ng karahasan) ‘di naturuang mabuti habang pinapalaki ng magulang tungkol sa makataong pagtrato sa kapwa lalo na sa babae, o asawa. O kulang din ang kamalayan sa mga panuntunan at batas ng lipunan tungkol mismo sa isyu.

Madalas, nakikita na ang mga mismong perpetrator ay nakaranas din mismo ng kara-hasan habang sila ay bata pa. Nagkaroon tuloy ng kaisipan na ito ay normal na pa-raan ng pagtugon o pag-angkop sa isang sitwasyon gaya ng kung may mga sigalot na sa relasyon. O kaya, dahil ‘di natutunan mismo ang mas konstruktibong paraan ng pa-g¬harap sa mga sigalot sa relasyon gaya ng tamang komunikasyon kaya’t kung may-roon ng tensiyon, mas madaling gamitin ang batas ng kamao kaysa gamitin ang talino at diplomasya.

Nakakalungkot din na kahit may batas na nagtataguyod ng karapatan ng mga kaba-baihang nabibiktima ng karahasan, parang hindi nagiging deterrent ito. Dahil nga ba sa madalang naman talaga ang nakakasuhan o napapatawan ng karampatang paru-sa. Kasi nga madalas ang biktima ay hindi naman nagsusuplong sa batas.

Bakit nga ba? Masalimuot din ang dahilan. Paano mo idedemanda at ipapakulong ang perpetrator kung ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng taong siya namang si-nasandalan ng ekonomiya o kabuhayan pamilya? Kaya madalas, pananahimik at pag-titiis ang paraan ng pag-angkop ng maraming biktima sa karahasan.

Marahil, kailangan talaga ng mas maka-kultura, komprehensibo, at integrated na pag-tugon sa usaping ito para mawakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Medyo malayo pa ang umaga, sabi nga. (Psychtalk / EVANGELINE C. RUGA, PhD)

254

Related posts

Leave a Comment