BAKIT PINAG-IINITAN ANG ATING MGA TINT?

BAGWIS

MAUGONG ngayon ang usapan sa social media tungkol sa plano ng PNP-Highway Patrol Group at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang paggamit ng madidilim na tint sa ating mga sasakyan. Maliban kasi sa nahihirapan di-umano ang ating mga traffic enforcer na ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA) dahil sa mga madidilim na tint sa mga sasakyan, isa umanong banta sa kalig-tasan at kapakanan ng mga motorista itong mga tint na inilalagay sa ating mga sasa-kyan.

Wala naman sana tayong problema sa planong ito ng HPG at ng MMDA dahil totoo nga naman na mahirap ipatupad ang ADDA kapag ‘di naman nakikita ng mga traffic enforcer ang loob ng ating sasakyan. Ang hindi ako sang-ayon ay ang paniniwala ng mga HPG na isang safety issue ang paggamit ng tint. On the contrary, mas lalong masasadlak sa panganib ang ating mga motorista kapag tuluyang ipagbawal na nga ang paggamit ng tint.

Personal po nating nasaksihan kung paano tinakot at hinaras ng isang grupo ng mga kabataan ang isang motorista noong makita nilang ito ay isang babae. Niyuyugyog nila ang sasakyan at pilit pang binunuksan ang pinto nito noong tumanggi ang babae na bigyan sila ng pera.

At dahil ipagbabawal na ang tint, mas lalong mapapadali para sa kriminal sa kalsada na piliin ang kanilang target. Mas lalo ring darami ang mga kaso ng basag-kotse at maging kidnapping.

Kung sakaling mangyari itong ating mga kinakatakutan dahil sa bagong paandar ng HPG at ng MMDA, nakahanda naman kaya silang panagutan ang mga maaa¬ring mag-ing biktima ng krimen dahil tinanggal nila ang tint sa kanilang mga sasakyan? May ka-kayahan ba ang HPG at MMDA na tiyakin na hindi magiging isyu ang pagtanggal sa ating mga tint kung ang ating kaligtasan ang pag-uusapan?

Ang sadyang hindi ko maintindihan ay kung bakit paiba-iba at papalit-palit ang direksiyon ng mga polisiya tungkol sa ating mga batas-trapiko. ‘Pag minsan ay mala-mya at ‘pag minsan naman ay overacting na.

Sa napakahabang panahon ay wala naman akong nakitang problema sa paggamit na-tin ng mga madilim na tint sa ating mga sasak¬yan at ngayon nga ay nagiging sangka-lan ng ADDA upang ito ay ipagbawal.

At habang pinagdidiskitahan ang ating mga tint, tila nagbubulag-bulagan naman itong HPG at MMDA sa mga napakaliwanag na mga violation ng napakaraming driver ng mga pampublikong mga sasakyan.

Halimbawa na lang eh itong ating umiiral na Seatbelt Law na tila nakalimutan na yatang ipatupad ng ating mga traffic enforcer. Wala namang mga tint itong a¬ting mga jeepney at mga bus para magkaroon sila ng rason kung bakit hindi gu¬magamit ng seatbelt ang karamihan sa ating mga PUV drivers. Nagkalat din ang bus at mga trak na napakaitim ang ibinubugang usok sa kabila ng umiiral na batas laban sa smoke belch-ing.

Sa madaling salita, puro porma lang itong mga isinusulong na pakulo nitong HPG at MMDA. Sa halip na ubusin na naman ng mga ito ang ating panahon at sa¬yangin ang pera, nagamit na upang magpalagay ng ating mga tint, mas maigi sigurong mag-focus na lang muna sila sa pagpapatupad ng batas na hindi na kailangang mamerwisyo ng ibang tao.

Magpakitang-gilas muna kayo mga sir at ma’am baka sakaling mapaniwala kaming may patutunguhan talaga ang inyong mga panibagong gimik tungkol sa aming mga tint.  (Bagwis / GIL BUGAOISAN)

350

Related posts

Leave a Comment