ANG PAG-USBONG NG TEAM MATULUNGIN AT ABE-ABE SA TARLAC

TARGET NI KA REX CAYANONG

HALOS hindi mahulugang karayom ang dami ng mga taong dumalo at sumuporta sa paghahain ng kandidatura ng Team Matulungin nina Governor Max Roxas, Congresswoman Cristy Angeles, Mayor Vic Angeles, Vice Mayor KT Angeles, at iba pang mga kandidato.

Saksi ang mga taga-suporta mula sa iba’t ibang sektor, partikular na ang grupo ng Walang Iwanan, na matibay ang pakikiisa sa pagsulong ng adbokasiya ng Team Matulungin.

Sa kanilang bawat hakbang, ramdam ang pagkakaisa at malasakit sa bayan ng Paniqui.

Ang mga pagbabago sa posisyon sa pagitan nina Vic Yap at Christian Yap ay tila nagpaigting lamang sa tensiyon ng paparating na halalan.

Akala ng marami, si Vic Yap ay tatakbo bilang gobernador, ngunit sa huling sandali, siya’y nagdesisyong tumakbo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Tarlac.

Samantala, si Christian Yap, na inaasahang mananatili sa Kongreso, ay sasabak na bilang gobernador.

Ito ang magiging mainit na laban para kay Paniqui Mayor Max Roxas na determinadong ihatid ang Paniqui sa mas mataas na antas ng kaunlaran.

Ngunit sa gitna ng tensiyon at intrigang hatid ng pulitika, nananatiling matatag ang layunin ng Team Matulungin.

Sila’y hindi lamang tumatakbo para sa kapangyarihan, kundi para ipagpatuloy ang mga nasimulan at palawakin pa ang mga proyektong tunay na nag-aangat sa buhay ng bawat taga-Paniqui.

Sa pamumuno ni Vice Mayor Aida “Bien” Roxas, ang pagkakaisa ng bayan ang sentro ng kanilang adhikain.

Tiwala siya na sa pakikipagtulungan sa bawat mamamayan, mas mahihigitan pa ang mga tagumpay na naisakatuparan ng kanyang ka-tandem na si Mayor Max Roxas.

Ito ang simula ng bagong kabanata para sa Paniqui.

Sa likod ng bawat kampanya at sigaw ng suporta, isang bayan ang nagkakaisa para sa mas magandang kinabukasan. Ang laban ng Team Matulungin at Abe-Abe ay hindi lamang laban para sa halalan, kundi para sa mga pangarap ng bawat isa.

Sigaw nga nila, “Sama-samang ituloy ang laban—walang iwanan!”

39

Related posts

Leave a Comment