Mga magulang, guro hinimok MAGKAISA LABAN SA KORUPSYON – FORMER ES RODRIGUEZ

(JOEL O. AMONGO)

CALAMBA CITY, Laguna – Nangako si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na lalabanan niya ang korupsyon sa gobyerno matapos ang isang talumpati sa first quarter ng Parent-Teacher Conference, sa Integrated School of Lawa, Calamba City, Laguna noong Lunes, Oktubre 14, 2024

Iginiit ni Rodriguez, naging panauhing pandangal sa kaganapan, na ang pagbabawas ng korupsyon ay malaking tulong sa edukasyon, na magbibigay-daan sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng paaralan, mga benepisyo ng mga guro, at iba pang mahahalagang gastusin.

Kinuwestiyon din ni Rodriguez ang bisa ng mga proyekto sa flood control ng gobyerno dahil sa patuloy na pagbaha sa Metro Manila sa kabila ng bilyon-bilyong pisong inilaan.

Matatandaan kamakailan ay ipinangalandakan ng kasalukuyang administrasyon na mayroong 5,500 flood control project ang pamahalaan.

Subalit sa kabila ng napakalaking pondong inilaan ng gobyerno sa proyektong ito ay nakararanas pa rin ng matinding pagbaha ang Metro Manila.

Binanggit din ni Rodriguez na ang korupsyon ay nakaaapekto rin sa mga magsasaka, na nagiging dahilan ng pagmahal ng mga pangunahing bilihin.

Hinikayat niya ang mga magulang at guro na dumalo sa okasyon at makiisa sa kanya sa laban sa korupsyon para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.

“Hindi lang mahirap, kundi maging ang mga mayayaman ay apektado rin ng sobrang korupsyon,” sabi ni Rodriguez.

Ang laban sa korupsiyon, ayon pa kay Rodriguez, ay hindi pampulitika kundi isang usapin ng pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Aniya, kung mababawasan ang korupsyon sa pamahalaan ay malaking bagay ito para magamit ang pera sa edukasyon tulad ng pagpapagawa ng mga silid-aralan, benepisyo ng mga guro at iba pang gastusin ng mga eskwelahan.

Nagsimula ang programa dakong alas-4 ng hapon sa pamamagitan ng National Anthem, AVP; Calamba Hymn, April Plaza; Welcome Remarks ni Heidi Lantacon, Principal II, Messages ni Thelma Calatin, PSDS-Cluster 8; Hon. Emmanuel ‘Paco’ Nido, Brgy. Captain, Lawa; Hon. Dominic “DJ” Garcia, Brgy. Councilor-Committee on Education; at pananalita ni former Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Isinagawa ang quarterly report ni Ginang Lantacon, principal ng nasabing paaralan. Nagkaroon din ng oath taking ng mga bagong halal na SSG, GPTA & Faculty Officers Awarding of Certificates ni Fatima Mendiogarin, Head Teacher I; at Closing Remarks ni Marlyn Silloriquez, GPTA President SY 2024-2025.

73

Related posts

Leave a Comment