BAMBANTI FESTIVAL 2024

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

TALAGA naman maipagmamalaki ang Isabela pagdating sa turismo dahil ang gaganda ng mga lugar at ang daming dumarayo na mga turista rito.

Ilan lamang sa magandang puntahan, sabi nga “Embrace Isabela Where Rich Culture Blends with Captivating Nature”, ang Tumauini Saint Matthias Church. Mabibighani ka talaga sa Baroque-style facade and cylindrical bell tower ng simbahang ito.

Gayundin ang San Pablo Church where you can immerse yourself in the echoes of the past.

Our lady of the pillar church – see the grandiose sanctuary of Our Lady of the Pillar Church, a beacon of hope for the faithful and a sanctuary of unwavering faith of Cauayan City.

Sa San Mariano matatagpuan naman ang Abuan River, Sumadag Bay, Maconacon Dicotcotan beach, Palanan Villa, Robles Blue Lagoon, San Agustin Dimasilong Rock Formations, Tumauini Kweba Danum caves, Cabagan birds watching, Dinapigue Dibulo Falls, Divilacan Dilakit Falls.

‘Yan ang ilan lamang sa napakagandang puntahan at idagdag mo pa, sila rin ang pinanggagalingan ng mais, munggo at palay pero bukod sa mga tanawing ito, ang dinarayo dito taon-taon ng mga turista ay ang BAMBANTI Festival.

Sabi nga nila, “ETTAM NGANA!” Na ibig sabihin ay “TARA NA”. Isang linggong idinaos ang festival na ito na nagtatampok sa iba’t ibang mga produkto ng Isabela, Agritourism Exhibit, sale sa BAMBANTI Village at mayroon ding museum kung saan naka-display ang naggagandahang costumes para sa “King & Queen MAKAN KEN MAINUM” at Bambanti Village presentation and judging sa festival para sa “King at Queen” at mayroon ding street dance competition.

Sa street dance ay mamamangha ka sa ganda ng mga costume at tuloy-tuloy ang sayaw as in, dugtong-dugtong, super haba at napaka-colorful.

Nakatutuwang panoorin ang sabay-sabay nilang pag-indak.

Kikilabutan ka naman sa ganda ng itinatanghal na mga musika sa music festival.

Kasunod nito ang pinakahihintay ng buong bayan ng Isabela, ang “Queen of 2024”. Talagang nahirapan ang judges dahil lahat ay magaling, maganda at ang presentation ng costume ay puro perfect. Nagningning sa gabi ng parangal at itinanghal na “Ms. Queen Isabella 2024” si Kristine Joy Guzman. Congratulations!

 

65

Related posts

Leave a Comment