CASHLESS LIFESTYLE

FOR THE FLAG

Bukod sa credit at debit card na karaniwang mga mayayaman lang ang nakaka-enjoy, nauuso na rin ang cashless lifestyle para sa masa.

Para ka na ring may credit card dahil sa pinakabagong promo ng isang mobile wallet.

Base sa GCash promo, makakakuha ng P50 QR voucher kapag nag-subscribe ng GoSAKTO90 ang isang Globe o TM prepaid customer.

Magagamit ang katumbas na halaga ng QR voucher na pang-shopping, pang-grocery o pambili ng medisina sa mahigit 50,000 GCash partner merchants.

Tulad sa credit card, cashless ang paraan ng paggamit ng QR voucher sa coffee shops, skincare clinics o bookstores na ka-tie-up ng GCash.

Ayon sa isang pag-aaral, maliban sa credit at debit cards, nagagamit na rin ngayon ang mobile phones para sa mga cashless transaction at nakatutulong ito para sa maraming Filipino na walang bangko at mababa ang credit score upang maging parte ng “cashless society”.

Para makuha ang lib­reng P50 QR voucher, mag-load lang ng GoSAKTO90 mula sa GCash o kahit sa mga sari-sari store. Mag-reply ng “GOSAKTO90 GCASH” sa matatanggap na prompt upang kunin ang GCash freebie na malalagay sa tinatawag na “voucher pocket” ng GCash app.

Magagamit ang P50 QR voucher sa loob ng 14 araw at patuloy na mag-load ng GoSAKTO90 para dumami ang freebies. Maaari itong gawin kada linggo. Pasok din ang promo sa GoSAKTO120 pataas o sa GoSURF/EasySURF299 pataas. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

112

Related posts

Leave a Comment