Misyon Aksyon, bumili po ako ng cellphone na may tatak na ZH&K, natuwa ako dahil mura. Ngunit wala pang isang linggo ay nasira agad kaya’t bumalik ako sa binilhan ko dahil pasok pa ito sa ibinigay na warranty period.
Pinalitan naman agad ng kanilang tindera. Nang buksan ko uli ang ipinalit na cellphone ay baterya naman ang naging problema dahil madaling mag-lowbat.
Matapos ang dalawang linggo sira na naman ang unit na binili ko kaya ibinalik ko uli sa binilhan kong mall.
Ang sabi ko, “Bakit ganyan ang unit ninyo mura nga sirain naman? Sagot sa akin ng tindera, “Hindi lang po kayo ang may reklamo. Inaaway na nga ako ng mga nakabili ng ganyang unit pero ‘yung amo ko dedma lang kasi pinapalitan naman daw.”
Ang presyo ng murang nabili kong cellphone ay katumbas ng ginastos ko sa tatlong beses na pabalikbalik.
Nakita ko ang unit na may tatak na Chikos na mas malaki at mahal nang kaunti at nagdagdag ako para palitan ang unit na binili ko.
Natuwa uli ako, ngunit wala rin palang pinagkaiba sa una kong nabili, Misyon Aksyon. Dapat po ba, bago sila maglabas ng unit ay idaan muna nila sa quality standard ng Department of Trade Industry (DTI)?
Misyon Aksyon, paano po ba ang proseso upang makapag-reklamo, dahil duda po ako na hindi ito dumaan ng DTI at National Telecommunication Corporation. Sana po ay maimbestigahan ito.
Gumagalang,
Customer
Panawagan sa DTI at National Telecommunication Corporation Ramon M. Lopez at DICT secretary Rodolfo Salalima at BIR Commissioner Caesar R. Dulay. Mga sir, pakiimbestigahan naman po ang Chikos at ZH&K Mobile Phone na ang may-ari ay isa umanong Chinese na si Robert Li.
Kawawa naman ang publiko na tumatangkilik dahil ito lamang ang abot-kaya ng kanilang budget.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG Homeowners at iba pa Cell. No. Smart 09420874863 / 09755770656 Email Address: Misyonaksyon@yahoo.com /arnel_petil@yahoo.com /arnelpetil12@gmail.com.http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)
133