ANO BA ‘YAN? Magaling o medyo nagpapansin lang si Commissioner Rowena Guanzon ng Commission on Elections?
Nang mapanood ko po kasi siya sa balita sa television, kinilabutan ako bakit nanlilisik ang kanyang mata?! ‘Di ba kapag ganoon ang ikinikilos ng isang indibidwal, ang paniniwala ng mga matatanda noon na baka sinasaniban ng masamang espiritu, o kaya’y lumilihis na sa katinuan ang kanyang pag-iisip?
At kailangang maikonsulta o maipagamot ito sa isang espiritista upang mapalayas ang masamang espiritu na gumagambala sa kanya, o kaya’y kailangan kaagad siyang mapasuri sa mga manggagamot sa pag-iisip para magamot.
Kasi nakakatakot na ang inaasal ni Comelec Commissioner Guanzon nitong mga huling araw habang pinapanood ko siya sa television, halos manakit na siya ng tao at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Bakit?
Talaga bang ganoon siya? Parang sobrang depressed? Alam Kaya niya ang kanyang ginagawa? Para siyang “KSP”, gumagawa ng eksena para lang mapansin! Kasi kung nasa tamang pag-iisip pa itong si Commissioner Guanzon, dapat binigyan niya ng kahihiyan at dignidad ang ahensya na kanyang pinaglilingkuran at ang kanyang mga kasamahan sa Comelec.
Puwede bang makiusap doon sa mga madreng sumasama sa mga nagra-rally sa harap ng Comelec? Paki-wisikan n’yo nga po ng holy water si Commissioner Rowena Guanzon, baka sakaling lumayas ang masamang espiritu na GUMAGAMBALA sa kanya at manumbalik ang kanyang matinong pag-iisip.
Kasi batay sa aking pagre-research, nang maupong kumisyuner si Atty. Rowena Guanzon sa Comelec, hindi naman siya dating ganyan, matino at marangal mag-isip at binibigyan niya ng integridad ang kanyang ahensyang pinaglilingkuran.
Pero ngayon, kakaiba na siya! Biro n’yo naman nakagawa kaagad si Commissioner Guanzon ng kanyang dissenting opinion gayung wala pa palang resolution o naisulat na desisyon ang ponente sa kasong disqualification ni dating Senator Ferdinand Marcos Jr. na si Commissioner Aimee Ferolino.
‘Di ba hindi ‘yon normal? Kaya nga po ako nangangamba o nababahala na baka si Commissioner Guanzon ay nasa level ng wala sa tamang huwisyo.
Kakaiba talaga ang kanyang paglalahad ng kanyang desisyon sa kaso ni BBM bakit kaya siya nagkakaganoon? ‘Di ba pang-iimpluwensya ‘yung kanyang ginawa at paglalagay sa alanganin sa Comelec dahil sa kanyang inasal?
Tapos ngayon, naghahamon na rin siyang kasuhan daw siya! Aba’y talagang! Bakit kailangan ka pang kasuhan Commissioner Guanzon, eh alam naman ng lahat na pag-aaksaya na lang ng panahon para kasuhan ka dahil magreretiro ka na rin naman ngayong araw.
HAPPY RETIREMENT PO COMMISSIONER ROWENA GUANZON, MAGSIMBA PO KAYA KAYO PARA MAIPANA-LANGIN KA NG MGA TAONG SIMBAHAN, BAKA SAKALING MANUMBALIK ANG INYONG TAMANG PAG-IISIP AT MAPALAYAS DIN ANG MASAMANG ESPIRITU NA GUMAGAMBALA SA INYO.
81